Kwento Tungkol sa Pagiging Masaya
Sabi ng quote ni Mother Theresa sa isang Papemelroti calendar para sa June 2019, "Be happy in the moment that's enough. Each moment is all we ever need. Not more.". Sa tingin ko, isa itong quote tungkol sa contentment sa buhay na masaya. At naisip ko lang na kahit sobrang simple ng word na happiness eh napakahirap din nitong ma-achieve. Noong bata kasi ako at simple lang ang buhay, kahit maglaro lang sa kalye ng patintero o taguan ay sumasaya na ako at pati na rin yung mga kapwa bata ko din. Pagkatapos maglaro, halimbawa kasama mga pinsan o kapitbahay, dumadating yung oras na kailangan na tapusin yung laro dahil gabi na o kakain na o kaya naman kailangan na umuwi ng mga kalaro ko/namin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula at ewan ko kung ako lang 'to, pero parang malungkot kapag natatapos yung laro o kapag may umaalis. Minsan pagagalitan ka pa kasi naging madungis ako, o kaya ang gulo ng bahay, basta laging may nagagalit, kung 'di si Nanay (tawag namin sa lola) ...